sa dagat? o sa disyerto?

Isang Makabuluhang linggo naman ang nakalipas, Oo naging busy ako nitong mga nakaraang araw dahil kinakarir ko na ang pag aapply ng trabaho, Oo ulet tama ang narinig mo. Napakahirap sa una pero napagtsagaan ko rin, ayon medyo maganda naman ang resulta. Nakapasa naman ako sa exam, interview Yehey!! Pagsineryoso mo talaga ang isang bagay talaga tiyak na maganda ang kalalabasan. ABOVE AVERAGE ako sa Neuro-Psychological Test, wow okay pa pala ang utak ko wala pang tama. asust. Ang saya-saya! Aktuwali, ang inapplayan ko ay maging isang Seaman. hehehe, ok ba? pero sa totoo lang ha may nararamdaman akong doubt? baket kaya? Hindi ko rin maintindihan eh. Tapos meron pang isang job offer din sa akin ito naman ay dun sa pinanggalingan ko sa gitnang silangan, sa Saudi. Ang trabaho naman ay sa office bilang Quality Control, diba sosyal. Baket ba pagdumating ang mga ito sabay sabay? Hindi naman sa ayaw ko pero naguguluhan ako. Hanggang sa mga oras na ito eh tinitimbang ko at pinakikiramdaman ko kung ano ba ang dapat na trabaho ang aking susuungin. hirap noh? Pero ito lang ang napagtanto ko, Bakit walang akong swerte magtrabaho dito sa pinas? hmp… ewan pang-international ata ang skills ko asust. ayaw nila sa akin, edi wag. Nakakapagod ang linggong ito pero marami akong natutunan kung paano ang magsikap para sa aking kinabukasan, at sisiguraduhin ko sa pagkakataong ito na aalagaan at mamahalin ko na ang aking magiging trabaho, hehehe🙂

Ayan nablanko naman ang utak ko. siguro nga kailangan ko ng konting pahinga tutal weekends naman. Kailangan magcharge at refresh ang utak ko at ang katawan ko para sa panibagong pakikibaka ko sa mga susunod na linggo. Magmumuni-muni mode muna para ndi mastress masaydo.asust.

hanggang sa muli,

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: