ang inbox…

Nakakatuwa naman at naalala pa nila ako. Nitong nakaraang araw lamang nakatanggap ako ng mga ilang mensahe mula sa aking mga kaibigan noong high shool at college. Simpleng mensahe pero para akin napakahalaga nito. asust. Mabute nalang at may friendster ehehehe laking tulong talaga..

Ito ang mga nakasaad sa aking inbox:

Message:

hehehe gwapo na natin ah…bali balita mayaman na daw ikaw…hehehe kamusta na ikaw? long time no news ah.

— EVA

Hindi ko alam kung tong taong ito eh nang-aasar o naiinget? UU alam ko gwapo ako.asust to naman joke lan, cge may itsura lang (eh ang tae nga may itsura eh), ito pa ang isa bakit ba ang akala nila ang yaman yaman ko na? porket ba nag-abroad ako ng ilang taon dapat ba ganon? pwes mali ka dyan, eh ako pa galet ako sa pera. Sabihin na nating tama lang para sa pang araw-araw na bisyo..asust. Sa kabilang banda masaya ako at naalala mo ako Evak este Eva.

Message:

hi musta na?. me girlfriend ka na ba?.
‘coz you know what, if you dont have any let me know so i can get you some
ONE HOT BLONDE MAMA… he he he
just kidding just want to say hi, balitaan mo naman ako…

— tonette

Hero pa ang isa, bhaket ba sa dinami-dami pwedeng itanong eh parating ganito ang pambungad? Ewan ko bakit ba sila nagmamadaling magkaroon ako ng GF o ng ASAWA? Ito ang parating sinasabi ko ” I’ am not ready…” etchos. At naging bugaw pa ito, pero NO THANKS! mas gusto ko pa rin ang mga FILIPINA! asust. Sa totoo ang sa mga panahon na ito wala muna sa isip ko ang mga bagay na iyan, dahil ang utak ko ngayon eh nakatuon sa aking KINABUKASAN. Sabihin na natin na kinakarir kong maging isang mayaman na mayaman. wow assteeg! S’yempre naman para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang magiging pamilya ko, lalo na sa mga FUTURE na mga anak ko. bow. Next tonette, eto ako ayus lan me. Tambay mode muna. Para sau tonette nakakataba ng puso at naaalala mo pa ako at muling nagflash sa aking utak ang mga pinanggagawa natin ung college days. asust magdrama ba. Muli salamas!

Message:

musta na? mainit ba ngayun dyan? d2 sobrang init. ano na balita sa iyo?
lapit na b-day ko ano gift mo hehehe.
ingat lagi

— adam

asust.asust.asust na marame. Eh ano ka ba? Global Warming na eh. Kaya masarap kumain ng halo-halo. eniways, mainit na talaga ang panahon natin ngayon dahil ito ay dulot na rin ng ating mga pang-aabuso kay Inang kalikasan. teka? mali. Basta un na un! Eto ako ayus lang, mapula pa rin ang hasang. FYI: matagal na ako nandito sa Pinas, mga tatlong buwan na rin ang nakalipas simula ng ako’y makawala sa bayan ng mga boblakz! Gift? asust.. INUMAN nalan masaya pa, bonding moments pa. Salamas pareng Adam.

Hay naku, hindi mo talaga mabibili ang kasiyahan dito sa mundong ito. Tama o Mali? alam mo yan. Sabi nga nila “PRICELESS”. Nakakataba ng puso ang mga mensaheng ito. Ito ay nagpapatunay lamang na pinahalagahan nila ang aming pagsasamahan, barkadahan kahit sa maikling panahon, hindi ko naman sinasabing hindi ko na sila FRIENDS, what I mean is.. teka nosebleed na to’, naalala pa nila kung ano ako at kung sino ako. Mabate kasi ako.charing! Pagnagtanim ka ng mga magagandang moments, mamumunga ito ng mga hitik na hitik na kasiyahan tulad ng mga inaani ko sa mga oras na ito. At mabute nalang may mga tulad ng Friendster, Facebook, Multiply at kung ano ano pa. This is what technology brought to us. asust. pwede na ba?

Para sa mga Friends ko dyan sa tabi-tabi aba’y magparamdam naman kau? At sa mga nagpaparamdam ito lang masasabi ko “TENK YOU PO“! pengeng pera…asust.

Hanggang sa muli,

Isang Tugon

  1. iba tlg nagagawa ng prendster!!!
    konektado taung lahat dhl dito!
    buti naaalala k p nla.
    o bka kaya naalala ka nila dhl mayaman ka na!
    wahehehe!
    pautanG!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: