ang tigyawat.

Ilang araw na rin ako nagbabad sa aking kwarto, sa isang salita ikinulong ko ang aking sarili sa loob ng aking kwarto. Bhaket ko ba ginawa ito? Ewan ko napagtripan ko lan at ayaw ko lang makipagsalamuha sa ibang tao. Gusto ko lang maiba ang ikot ng aking mundo na walang ibang tao nakapaligid sa akin. Masyado kong kinarir ang bagay na ito. Pagkatapos ng ilang araw namunga ang aking pinaggagawa at hindi lang isa kundi apat pa. kainis talaga. Apat ng TIGYAWAT o pimples ang aking napala sa aking pinaggagawa nitong mga nakaraang araw. Badtrip talaga!! Kung kelan ba naman hindi ako naging expose sa kalsada eh nagkaroon pa ako ng ganitong sumpa. Grrr….asust. Sa mga oras na ito tinapos ko na ang pagkakakulong ko, bumalik na ulit ako sa dati kong buhay. Nagpakalat-kalat ulit ako ahehehe. Ang saya-saya!! Wala namang kwenta pero masaya naman.

2171846380_41982192c0_m.jpg

Anu ba ang hilig sabihin nitong mga tigyawat na ito? Ito ba ay sumpa? Ewan ko rin bakit nga ba? Ito pa ay epekto sa kakaisip? Asust.. Hindi naman ako in love. Kaya ito nagresearch ako tungkol sa tigyawat. Ang hirap pa naman magkaroon nito dahil mag-iiwan pa ng peklat..hmpp… badtrip…PROBLEMA talagang matatawag ang tigyawat. Lalo na sa mga dalaga at binata na gustong magpa-cute sa kanilang mga natitipuhan.
168453105_61254797fc_m.jpg

Ano nga ba ang tigyawat? Ito ay isang kondisyon ng balat na karaniwan na sa mga adolescents at young adults. Ito ay mga maliliit at kung minsan ay lumalaking mga mamula-mulang mga animofy butlig sa mukha na may mga pagkakataong namamaga at dumarami kapag napabayaan.

Kadalasang tumutubo ito hindi lamang sa mukha kungdi maging sa dibdib at likod.

Maraming gamot ang maaaring mabili sa botika para sa mga tigyawat. Su-balit sa mga taong nais makatipid o gustong sumubok ng halamang gamot na akma rito, o mga alternatibong paraan para makaiwas o magamot ang tigyawat maaaring subukan ang mga sumusunod na payo:

WATER TREATMENTS

1. Hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig gamit ang mild na sabon, tatlong beses sa isang araw.

2. Makaraang maghila-mos, pasingawan ang mukha (steam) sa loob ng 15 minuto, isang beses sa isang araw.

3. Iwasang hawakan ng mga daliri ang mukha. Huwag na huwag ding pipisain ang tigyawat gamit ang mga daliri.

4. Uminom ng maraming fruit juice at tubig.

5. Magkaroon ng sapat na tulog, tinataya sa 7 hanggang 8-oras bawat araw.

6. Umiwas sa pagkain ng starchy foods, mga matatamis, tsokolate at nuts.

7. KUmain ng maraming prutas at gulay.

HERBAL MEDICATIONS

1. Hinog na papaya na may katas ng kalamansi

Paghaluin ang tatlong kutsarang dinurog na hinogna papaya sa isang kutsarang katas ng kalamansi.

I-apply ang mixture sa mukha pagkatapos maghilamos. Hayaan ng mga 30 minuto saka hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig. Maaari mo ring hayaan ito sa mukha nang magdamag kung kakayanin.

2. Dahon ng sabila

Kumuha ng isang dahon ng sabila at kaskasin o tanggalin ang pinakaibabaw.

I-pahid ang katas sa mukha matapos maghilamos ng maligamgam na tubig. Hayaan ng 30 minuto. Maaari mo itong hayaan sa mukha ng magdamag kung iyong kakayanin.

3. Dahon ng romero

Magdurog ng limang dahon at kunin ang katas.

I-apply ang katas sa mukha makaraang maghilamos gamit ang maligamgam na tubig. Hayaan sa mukha ng magdamag

 

Hmp… ayan sana nakatulong din ako sa inyo.

 

Hanggang sa muli,

signed5.jpg

About these ads

3 Tugon

  1. naman! pimple, panira ng buhay a este mukha! hahaha! salamata sa mga tips. :D

  2. pesteng tigyawat! buti na lang gradweyt na ko dyan…

  3. kinarir mo talaga ang digmaan laban sa pimpol ha! :D

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 972 other followers

%d bloggers like this: