utak na makitid…

Bhaket may mga taong makikitid ang utak na napakahirap makaintindi ng mga sitwasyong napakadali namang intindihin. Pero ang mga taong ito eh bukod sa mikitid na ang utak eh napakarume pa ng kanilang mga isip, at hahatung pa sa kanilang konklusyon na hindi maganda. Wala ba silang eport na mag-imbestiga kung ano talaga ang nangyari? Sabagay makitid nga ang utak eh. Bhaket ba may ganong tao? Ewan ko sa kanila. Akala ko sila pa ang unang makakaintindi pero nagkamali naman ako. Hay buhay sinusubukan naman ako. Hindi man lang nila ako tanungin kung ano ang nangyari? Pero sa mga oras na to’ wala na akong balak na magpaliwag o makipagdebate sa kanila dahil ako ay pagod na pagod na. Parate nalang ba ganito? Wala na ba akong karapatang sumaya sa buhay? Ganito na ata ang role ko sa buhay. Asust.! Hindi naman siguro. Sa kabilang banda sawang-sawa na rin akong yumoko sa kanila at huminge ng paumanhin. Bhaket naman ako hihinge ng paumanhin sa kanila? Wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila bagkus sila ang nakagawa sa akin. At sa pagkakaalam ko ang paghinge ng sorry at hindi maganda baket kamo? Ito raw ang isang sinyales na pagkamahina ng isang tao. Kaya natutunan ko rin sa bagay na iyon na buburahin ko na ang salitang “sorry” sa aking buhay.

Wala na kasi sila sa lugar, ako , ako, ako, nalang parate ang taya?. Aba nakakasawa na talaga at nakakabadtrip na ah. Anu bang meron ako? Hindi ko alam kong sila ba’y naiingget sa akin? O asar sa pagmumukha ko? Anu ba talaga? Mahirap manghula kasi hindi naman ako manghuhula noh. Bawat kilos ko lahat sila ay nakamasid at feeling ko isa akong kriminal? UU minsan nagkamali ako at pinagsisihan ko na ang mga iyon pero wala na ba akong karapatan na ipakita sa kanila na ako’y nagbabago na? o nagbago na? Sa aking palagay naman alam nila na ako’y nagbago na, pero sa palagay ko rin sila ay nagbubulagbulagan na hindi naman bulag. Makikitig ang kanilang utak un lang ang masasabi ko. Siguro nga ay naging manhid na rin ako sa mga sitwasyon na ito, dahil sila rin ang nagturo sa akin. Kaya hinding-hindi na rin nila ako makikitang makikipagtalo sa kanila. For what use? Eh kahit kailan naman eh hindi sila nakinig sa akin? Nakakalungkot man isipin pero ito ang reyalidad kong kinakaharap na dapat paglabanan. Akala ko pa naman noong una eh sila pa ung mga taong makakaintindi sa akin pero hindi pala. Ang hirap-hirap nilang iplease or what so ever. Asust.!

Heto ako ngayon pilit na lumalaban sa hamon ng aking buhay. Pilit na namumuhay ng normal. Sa kabilang banda eh Mahal na Mahal ko pa rin sila. Sana lamang eh wag na nilang hayaan pati ang pagmamahal ko sa kanila eh mawala na rin. Wag naman sana dumating sa mga panahong iyon. Dahil hindi ko rin alam kung anu ang gagawin ko sa buhay ko. Aaminin ko sa mga panahon na ito eh wala naman akong ipagmamalaki sa kanila pero ginagawa ko ang lahat-lahat ng aking makakaya at baling araw ay maipagmamalaki rin nila ako. Puro sana? Sana? SAna?? Nakakain ba yan? Asust.!

Nasanay na rin siguro akong napag-isa pagdating sa mga sitwasyon na ito. Dahil sa tingin ko wala naman iba pang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko lamang. Ako. Ako. Ako. At ako lamang wala ng iba pa.!

Emo mode asust. Ayoko sana ng ganito. Kaya sa iyo ko nalamang mailalabas ang nasa loob-looban ko. Pasensya na ulet!!

 

hanggang sa muli,

signed5.jpg

 

2 Tugon

  1. batukan mo, para lumuwang yung utak! lol

  2. @linglingbells — try ko teka….asust…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: