ewan…

Tinatamad. Tinatamad. Tinatamad .

Sabi nga ni Jollibbe .. tatamarin….tinatamad…tinamad… asust..

Ilang araw na rin ako nakabalandra dito sa kwarto ko, walang ginawa kundi matulog, manuod ng tv, kumain at nakatunganga dito sa PC ko. Inaatake naman ako ng katamaran ko ewan ko kung bakit. Gusto ko lang cguro ikulong ang aking sarili sa maraming tao, at ayoko muna makipagsawsawan sa kanila. Kaya eto ako nakatunganga sa apat na sulok ng aking kwarto. Boring na kung boring pero gusto ko muna manahimik at magmuni-muni sa kadahilanang hindi ko rin alam, cguro nga trip ko lan. Hanggang kailan? Hindi ko masasagot iyan dahil hindi ko nga alam bakit ganito ang trip ko. Hindi naman ako nakatira ng bato o anuman droga. Masaya naman ako kahit papaano at nakakahinga ng maayos. Ilang beses ko na rin tinatanggihan ang aking mga tropa para uminom at kung ano pa, dahil nga wala ako sa mood para makihalobiro sa kanila. Sabi nga sa akin ng BBF ko (Best Buddz Forever asust…) para daw nasa Rehab ako dahil ikinukulong ko ang aking sarili d2 sa kwarto ko. Siguro tama s’ya, ewan ko kung ano ang nasakokote nya pero sigurado ako nagtataka naman un.

 

Mahirap talaga akong intindihin o maunawaan man lang kung minsan dahil kahit ako ay ndi ko rin maintindihan ang aking sarili. Kaya kung minsan gusto ko na lang na mapag isa. Ewan..ewan..ewan.. Pinagmamasdan ko na lang ang mga ibon at kung anu ano pang mga creatures mula ditto sa aking bintana. Mukhang Ewan talaga ako ngayon. Bwiset. Tapos sa mga oras na ito habang isunusulat ko tong entry ko eh may nangungulit pa sa akin. Gusto nya raw ako? Baket?? Ok ka lan…Eh ndi nga niya ako ganun kakilala, eh ako nga minsan nalilito rin sa aking sarili. Hay buhay napakagulo. Gusto ko lang gawin sa ngayon eh matagpuan ko ulit ung normal na ako, makulit, masayahin basta. Namisplaced ko ata nung minsan eh. Ewan ko lang kung san ko nailapag ang sarili ko o baka naman nai-flush ko na sa bowl..wawa naman ayoko ng ganitong buhay, hmp.. sana Makita ko na.asust.. Kanina nakikisabay pa ung panahon sa akin akalain mo bigla ba naman umulan how sad..asust ulet…

 

Wla na akong maisip eh. Teka hanapin ko na ulet baka Makita ko na sa pagkakataong ito…

 

Hanggang sa muli,

signed5.jpg

4 Tugon

  1. naku! mahirap yang sitwasyon mo, nawawala ang sarili.. bilis-bilisan mo ang paghahanap ha.. hehe!

  2. wag munang hanapin muna, babalik din yan… hehehe!

    >>>> pwede…asust salamas !!!

  3. @linglingbells — uu salamas…

  4. hahaha!
    parehas tau! kulong lagi sa kwarto!!!
    pero para sa akin normal lang un.
    lalo na ngaun at ang dami kong nakabalandrang dvds

    Baka nakikipaglaro pa kasi ng tagu-taguan!

    >>>>> korak!! aheheehe asust.. salamas sa pagdaan!!!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: