tambay naman…

 228881687_a921085967.jpg1060128423_14fec3fbc5.jpg

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng akong MAG-RESIGN sa aking trabaho dun sa GITNANG SILANGAN. Eto naman ako at DAKILANG TAMBAY naman!! (in short palamunin naman ako ng aking mga Magulang.) Akalain n’yo mga repapipz tatlong (3) taon din ako nagsumikap, kumayod, nagpakapagod at syempre nagpasaway din dun at yon ang ending akala ko magiging MATAGUMPAY na ako nganit hindi pa rin pala.

 

Akala ko ay mabubuo ko na ang aking mga  MUNTING PANGARAP na ninanais ko sa aking buhay ngunit hindi pala ganon kasimple ang mga bagay na ito. Masyado lamang akong nangarap ng nangarap na hindi namamalayan na hanggang doon lang pala iyon. Isang mahalagang aral ang aking natutunan at dapat pakakatandaan sa mga susonod kong pakikibaka… (naka nang sana malapit na..)

 

Isang awit ang aking nabuo sa aking muling pagtambay hango sa paborito kong kanta sa simbahan (tabi tabi po ..)

 

ANG BUHAY TAMBAY AY KAIN TULOG LANG…..blog..blog..blog..”

(hehehe ung kanta tulad ng Buhay ng Kristyano…)

 

Talaga naman ang hirap din naman maging tambay ah. Hindi biro mahirap din naman..try mo hehehe. Mabuti na nga lang at may mga makakaabalahan na eh tulad nito ako ngayon nagsusulat para sa aking blog eh kung wala malamang andun nanaman ako sa kanto pinapapak ng mga Lamok at naghihintay ng mga katropa para uminon, maggaguhan at kung anu ano pa….

 

Masaya rin naman maging Tambay kung nag eenjoy ka rin pero kung hindi mo type eh malamang hindi ka nakaranas ng pagTAMBAY!!! Na gets mo ba ung hilig kong sabihin? (ako hindi rin eh..)

 

Ilang araw na rin akong LASHING na LASHING sa KABAYO (redhorse kasi ang iniinom naming) Soshyal parin diba tambay na nga nakaREDhorse pa ASSHHHteeg talaga ako. (bowwwerrzz…) Syempre sa kwentuhan naming habang umiinom eh halos paropero nalang WALANG PAGBABAGO (ewan ko lang mamaya…) Oi naalala ko maghoholy week na may bago pala kaming plano ewan ko lang kung matutuloy dahil malamang isa lamang ito KWENTONG LASHING!!! Aakyat daw kami ng BUNDOK ng mga KABAGANG ko (sama ka? … sabihin m lang para maiba naman..)

 

Eto wala na maisip kung ano pa ang ilalagay ko sa blog ko. Ah kanina pala nagluto ako ng dinner aba SOSHYAL din un ah dahil blue TUNA ang tinira ko. Steam ko lang naman and then gawa me ng espesyal na sarsa pronto tapos wid matshing salad (Fruit salad) bongga talaga! Ang sabi nga ni Inday (ung kasama naming sa houshing wala ka atang S….) kasi ba naman meron din akong SOMETIMES mode… alam mo na yon..bwangagggzz.

 

Ngayon ito busog na busog pa rin ako at mayamaya lang eh TATAMBAY na me……

Hanggang sa muli… mahaba haba na itong kwento kong walang KWENTA!!

 

^^aga

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: