mama’s boy ako…eh anu ngayon””

511846712_f5e64d04b2_m.jpg eto na pala ung karug ng entry ko tungkol kay mudrakz…..

 

Mama’s boy daw ako? Isang malaking tsek, ako ay aminado pagdating sa bagay nayan at hindi ko KINAKAHIYA bagkos PINAGMAMALAKI ko pa sa buong daigdig…. Asust..bakit kamo?? Sa simula’y simula pa lamang na ako’y  magkaroon ng isip eh si MUDRAKZ na nakikita ko …. ( Mudrakz kasi ang tawag ko sa Nanay ko..) Siya na ang nag aruga sa akin at sa aming magkakapatid at syempre sa tulong na rin ng aking Fudrakz na nagtratrabaho sa Gitnang Silangan. Siya ang kasama ko sa lahat ng oras. Mapakalaking sakrispisyo ang kanyang iginugol para sa amin kaya kahit anung galit at pagbubunganga niya sa amin eh LABZ na LABZ ko yang MUDRAKZ kong yan!!! Para ba siyang si Manny “WALA KANG KATULAD MUDRAKZ!” 

Siya ang aking kasama noong nagsimula akong mag aral. Naalala ko pa parati siyang nahuhubaran sa paghatid sa akin dahil syempre ako PASAWAY at ayaw umalis sa tabi niya. Pero ayun siya nakangite pa rin at nagtsatsaga diba asteeeg.., Sya aang nagmulat sa akin para maging matapang at maging matatag harapin ang buhay. Ibinigay nya lahat ng kanyang oras para sa amin at halos makalimutan na nya ang kanyang sarili ( I mean wala na syang masyadong social life ba.) Isa pa palang katangian ng aking Mudrakz ay madasalin at palasimba.

 

Kasama ko sya hinarap lahat problema ko, kahit na naliligo ako sa sermon at kung anu ano pa sa ending sa kanya pa rin ako lalapit. Hehehe kaya nga Mama’s boy eh! Diba nga may kasabihang MOTHER’S know BESTS!! Tumpak naman nyan!! Kahit yata anong SEKRETO ko na itinatago eh alam nya.. Totoo ay napatunayan ko na pagdating sa bagay na iyan. Kahit ano pa naman andyan parin siya para intindihin ako. Masuwerte talaga ako sa aking Mudrakz kaya malaking pasasalamat ko kay GOD dahil binigyan niya ako ng Mudrakz na tulad niya.

 Bakit ba minsan ay sadya nating binabaliwala ang tulad niya? 

Madalas kong ginagawa ang bagay na iyan sa aking MUDRAKZ. Eh kasi nga sobrang tigas ng aking ulo at hindi na natuto at paulit-ulit na binibigyan ng kunsumisyon si Mudrakz. Pero kahit ano pa man ang mangyari sya pa rin eh.

 “Ang Ina ay hinding-hindi matitiis ang kanyang anak, Pero ang anak kayang matiis ang Ina”  

TUMPAK SUMPAK! Kahit anu na atang gawin ng anak na kabalbalan eh hindi kaya ng isang INA na ITAKWIL ang kanyang anak. Pero ang anak kayang-kaya itakwil ang Ina..

Ilang beses ko na rin ginawa ang bagay na iyan at ayon sobrang minalas ako at parang binagsakan ako ng langit at lupa. Sa ending sa kangkungan ako dinampot syempre si Mudrakz pa rin ang dumampot sa akin. Mahal na Mahal ko si MUDRAKZ at kahit kalian ay hindi ko sya pagpapalit kahit kanino. Alam ko mahirap ipakita sa kanya ang mga bagay na isulat ko dito pero pinipilit ko na matugunan ito sa lalong madaling panahon. At syempre hindi ako nangangakong magiging huwarang anak para sa kanya kundi gagawin ko na lamang kung anu ang tama. Kaya ako ay isang PROUD TO BE MAMA’S BOY!! (eh ano ngayon kung anu isipin mo!!) 

Hay naku mga repapips hirap ako gawin ito ah!!

 

Hanggang sa muli…..

 

^aga

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: