tanong.

masama ba ang maawa sa sarili???

…oo sa pag kakaalam ko masama talaga ilang beses ko na rin naririnig ito sa mga chismisan na ang pagkaawa sa sarili ay hindi maganda?? bakit at ano ang kinasama nito?? (tanungin nanaman ba ang sarili….) pero minsan sa dumadating talaga ang mga oras na para bang inaapi kana o masyadong binabali wala ka, letchegas magulo naman ang aking isipan (ito ba ay epekto na rin ng aking mga kalokohan noong mga nakaraang taon??.. ewan siguro pwede..) isang bagay lamang ang aking natuklasan para bang baliwala na ako sa mga taong inaasahan mong makakaunawa sayo ngunit ang aking nararamdaman at salungat…. (sana nga ay mali ang aking hinala..!)

pero sa mga oras na ito masamang-sama ang aking loob. ako ba ay tinitikis para sa aking kabutihan o talagang dedma lan?? palaga mo pareko’y?? alam ko nagkamali ako ng minsan ngunit kailangan bang habang buhay sa iyo ito isumbat? at tuwing pagkakamali ka ay ito’y muling ipamumukha sa iyo?

di ba nga may kasabihan na PAST IS PAST…. eh bhhakkket ganun? alam ko na dapat pagbayaran ang mga kamaliang aking nagawa ngunit bakit parang ito ay wala ng kwenta at para bang wala kana karapatang magbago? bwisitaz talaga ako ay gulong gulo na…

Sana ay hindi pa huli ang lahat….

Sa kabilang dako, masasabi kong nilapitan naman ako ng tukso… ( sa totoo lang muntik na talaga ako madala sa kanya mabuti na lamang at malakas pa rin ang kapit ko…. bwehehehe…) pero hanggang kailang ako magiging matatag?? syempre hindi ko rin alam. ikaw alam??? malamang sa hindi diba….. Masarap at masaya ang makisama ngunit hanggang kailan? hay naku parang napupuna ko panay tanong na lamang ako ngayon at walang mga kasagutan ???… isang malaking shetttttt (sori po sa masamang nasabi ko!), ngunit gusto ko lamang mailabas ang aking sama ng loob…

Sabagay kaya ko namang magtiis hanggang kaya ko at itinatago ko na lang sa aking sarili. Sa kabilang banda okay pa naman ako, pilit na iniintindi sila at ganun din sa aking sarili. pero hanggang  kailan? ( nak k nang magtanong naman ba tayo…) pasensya na po tao lang ^^

Mabuti namang at may mga kaibigan ako laging handa na umintindi at makinig sa aking mga drama sa buhay. tenk u po sa inyo.

teka lang sana kahit minsan naman ay maunawaan nila ako nabwibwisit na ulit ako may nakita akong isang badtrip….

cge mga katoto hanggang sa muling magkikita….

aga ^^

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: