Isang liham para sa aking TATAY.

ang liham na ito ay inahandog ko sa aking butihing Ama para sa kanyang mahalagang araw. Maligayang Kaarawan tatay!

Mahal kong tatay,

una sa lahat nais kong mabitiin ka sa iyong espesyal na araw, kahit alam ko na medyo advance ng ilang araw dahil sa Agosto 5 pa. eh kasi naman po tay hindi na ako makapag-intay at yaan mo akong ipagdiwang ito ng mahaba habang araw. hehehehe. naaala nyo pa ang ang mga liham ko sa inyo noong bata pa ako? itong linyang ito na halos makabisado ko na dahil sa hanggang sa ngayon eh tandang tanda ko pa. ” Kamusta na po kayo diyan? at sana po tay eh nasa mabuti kang kalagayan at kung kami naman dito nila Nanay, Ate at Omar ay nasa mabuti naman kalagayan. Alam mo tay miss na miss ka na namin dito? kelan ba ang uwi mo? ” ahehehe ndi ko na sasabihin kung anung susunod kasi kung matatandaan nyo eh ang kasunod na linyang iyan eh mga bilin ko na pinapabili sa inyo, at tapos mga ilang buwan lang eh agad na natutupad dahil binibili nyo. alam ko na masuwerte kami dahil isa kami sa mga batang nakaranas na laging in kung anung uso eh tsak na meron kami dahil sa inyo. yan eh materyal na bagay palan na alam ko habang lumalaki ako eh hinahanap hanap ko ang iyong pag aaruga, subalit sa ganyang paraan eh hindi kami masyado uumasa dahil nasa malayo kang lugar at nagbabanat ng buto para sa aming magandang kinabukasan at dun eh labis ang pasasalamat ko sa inyo.

alam ko kung bibilangin natin ang ating pagsasama eh mahigit kumulang ilang taon lamang pero mabait parin si God dahil binigyan akong pagkakataon na makasama ka at makasalamuha ng ilang taon dyan sa Gitnang SIlangan dahil sa aking trabaho na masuwerte na malapit sa inyo. dun ko naramdaman ang iyong gabay kahit na ako ay nasa wastong edad na atleast naranasan koang inyong persensya bilang isang responsable at mapagmahal na ama. na alam naman natin sa mundong ito eh walang perperktong bagay pero sa aking paniniwala eh masuwerte ako dahil kayo ang aking naging Tatay, natatandaan mo pa ba ang mga pagkakataon na ako ay naging pasaway at hindi sumusunod sa mga sinasabi nyo, ung mga kapalpakan ko, mga katarantaduhan ko at kung ano ano pa na alam naman natin na kinagalit nyo at minsan eh dumanas ako ng iyong bagsik. ung pinaluhod nyo ako sa asin, pinabuhat ng encyclopedia, pinakain na sangkatutak na kanin. ahehehe tay tandang tanda ko pa un lalo na ung minsan eh nabatukan nyo ako na alam ko naman eh hindi nyo sinasadya dahil sa sobrang galit nyo sa akin, pero tay alam mo ung nangyari un eh labis akong nasaktan at sa huli eh natauhan sa aking kamalian at sa maniwala kau sa hindi eh hanggang sa ngayon eh nagsisisi ako kung bakit ko nagawa iyon.(ndi ko na sasabihin kong anu un dahil alam naman natin na medyo personal at family issue un. Asust!) at ung pinakahuli nating pagtatalo eh nitong mga nakaraang taong lang nung andyan pa ako kasama nyo sa Gitnang SIlangan, eh pagsuway ko sa inyo na kabilinbilinan nyo na wag nang lalabas ng dis-oras ng gabi dahil parate nyong sinasabi na delikado at alam ko naman na delikado eh syempre, ako ang iyong PASAWAY na anak eh nagpumilet at ayon dahil dun eh naHoldup ako ng mga Badong Saudi at tinutukan ako ng isang mahabang patalim na muntik pa akong mamatay dahil sa pangyayaring iyon, pero ano ginawa nyo andyan parin ikaw, i mean kayo ni Nanay, kahit na alam ko na labis ang aking pagsuway sa inyo eh inintindi nyo pa rin ako at syempre ndi naman mawawala ung mga Maalamat nyong mga sermon sa akin na buong puso kong tinanggap dahil sa aking kamalian. ewan ko ba talagang sadyang pasaway ako at kulang na lan eh sabihin nyo sa akin na ako ay isang SUWAIL na anak.

pero ano tay andyan ka parin sa aking tabi, alam nyo sa totoo lang ung mga oras na iyon eh ramdam na ramdam ko ang iyong pagmamahal at pag aaruga nyo sa akin at alam ko eh sinubukan nyo makabawi sa akin sa mga pagkukulang nyo simula pa lang sa pul, alam naman natin na nsa tyan palan ako ni Nanay eh umalis na kau para pakipagsapalaran sa ibang bayan. sa puntong iyan tay masasabi kong nakabawi kayo sa akin at sa aking pakiramdam eh sumobra pa. wala kang katulad tay, dito palang eh hindi na matutumbasan ng materyal o pera ang mga ginawa mo sa akin at sa aming magkakapatid.

sa kabilang banda eh naaalala nyo ba nung kau eh nagkasakit na labis kong dinamdam at hindi lang ako kundi pati si nanay at ng aking mga kapatid. eh dahil nga tatlo lang taung magkakasama dun eh sobra akong nag alala sa inyong kalagayan, ito po ung kayo eh na over stress at naMENTAL BlOCK kayo, dahil dun eh wala kong maalala sa inyong pagkatao, hindi mo kami nakilala ni nanay sa tagpong iyon at naramdaman ko na parang binagsakan ako ng langit at lupa at lubos na naapektuhan si Nanay at naging matatag kami at lubos na nanalangin kay God, sinabi ko sa kanya na bakit nangyari ito, at sinabi ko na paano na kami at hindi pa ako handa at hindi pa ako nakakaganti sa lahat ng kanyan ginawa sa amin. magulong magulo ang aking isip noong mga oras na iyon at kung ano ano ang lumalabas sa aking utak na sobrang nakakabaliw pero salamat sa Diyos dahil binigyan nya pa ako ng  isa pang pagakakataon na makasama ka, at alam mo tay dun ako humanga sayo dahil ilang oras lang ang nakalipas eh sinabi ng doktor na sobrang stress kau at magiging mabute na iyong kalagayan, sa tagpong iyon eh alam nyo na buong Company nyo eh nagkagulo at mismong ang CEO at President eh personal kayong dinalaw at sila mismo sa pamamagitan ng kanilang sariling kamay at kitang kita ko ng aking dalawang mata kung gaano sila nag alala sa iyo, at sila pa ang nagkwento na kayo daw eh isang WORKOholic at hinding hindi nyo bibitawan ang isang trabaho hangga’t ito ay hindi tapos kesahodang alam naman natin na marami kaung tauhan at hindi ka makakali at ikaw pa mismo ang aalalay at gagawa ng mga iyon. feeling ko nga nung mga oras na iyon sa mga Big Boss mo eh parang kapatid ka nila na alam naman natin na sobrang bihira mangyari iyo at alam mo naman ang mga ugali ng mga Arab pero anu ginawa nyo parang isang kapamilya sila na sobrang mahal na mahal ka.

alam ko na gusto nyo na mamana namin ang mga ugaling iyon o mahigitan man lan, kalamitan naman na nakikita nyo sa akin eh parang malayong malayo at ang feeling ko rin eh hindi ko na mahihigitan ang nagawa nyo pagdating sa trabaho, pero tay kahit naman papaano eh may namana ako sa iyo at yun eh ang pagtratrabaho ng parehas at hindi nakakasakit ng sino mang kapwa at ang parati nyo sinasabi sa akin na wag na wag manglalamang sa kapwa at iyon eh aking nakuha sa inyo.

tay cguro kulang ang mga salita para sau, ang point ko lan eh gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita kahit na minsan eh hindi ko ito napapakita sa inyo, normal na cguro sa isang mag ama ang minsan eh hindi pagkakaunawaan pero sa bandang huli eh tau tau parin ang magkasama. tay hindi ako mangangako pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya kahit paano naman eh matumbasan ko ang iyong kabutihan sa akin at sa buong pamilya.

mahaba na to tay, at muli MALIGAYANG KAARAWAN at parati mong tatandaan na MAHAL NA MAHAL KITA, syempre ako lang ata ang kamukha mo ahehehehe.

I LOVE  U TATAY!

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 972 other followers

%d bloggers like this: